Posted on November 21, 2019
“Ang Pilipinas ay mayaman sa kaalaman at kultura pagdating sa kalusugan.” Ito ang nais ipamahagi ng Cagayan State University kasama ng Philippine Institute of Traditional and Alternative HEALTH Care (PITAHC) at ng Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) sa pagdadaos ng Ikalawang Selebrasyon ng Pista ng Gamutang Pilipino na naglalayong ibalik ang mga sina-unang pamamaraan sa panggagamot. Ang tema ng pagtitipon na ito ay “mga Lokal na kaalaman tungo sa Pambansang Kamalayan para sa Kalusugan”.
CSU Carig Red Eagle Gymnasium kung saan tampok sa pista ang mga respetadong tradisyunal na manggagamot at mga sektor ng alternatibong medisina mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Ang pagpupulong ay naging daan upang bigyan ng kamalayan ang publiko sa iba’t ibang uri ng alternatibong paggagamot mula mismo sa mga tradisyunal na manggagamot at alamin ang kanilang mga natural na proseso upang pangalagaan ang kalusugan.
Ang pista rin ay naging daan upang maranasan ng mga nakilahok ang mga tradisyunal na pamamaraan upang mapawi ang sakit sa katawan katulad ng masahe, acupuncture, ventosa, at pranic healing. Tampok din sa pista ang iba’t ibang natural na produkto sa paglunas ng karamdaman na pwedeng bilhin ng publiko upang subukan.
Maliban dito, nagkaroon ng akademikong talakayan kung saan ang mga katuwang na mananaliksik ng tradisyunal na medisina ay nagbahagi ng kanilang kaalaman tungkol sa pagdodokument ng mga katutubong panggagamot, mga iba’t ibang uri ng ‘kinatutubong’ panggagamot, at mga kilalang Pilipinong manggagamot.
Ang Pista ng Gamutang Pilipino ay nagsimula noong Nobyembre 20 at magpapatuloy hanggang Nobyembre 22, 2019. Lahat ay inaanyayahan na dumalo at tuklasin ang natatanging pamamaraan sa pangangalaga ng kalusugan!
Caritan Sur, Tuguegarao City, Cagayan Valley 3500
Phone: (078) 844-0098/0099 Loc. 122
Email: president@csu.edu.ph